Mababang Selling Price Ang Ilagay sa DEED OF SALE NG LUPA.

Hello po, ask ko lang if ano risk if mas mababang selling price ang ilalagay sa Deed of Sale ng lupa? Para po sana makabawas sa magagastos sa paglakad ng papel. Thanks po....

Mga Sagot: 

Khit magkano ilagay mo sa deed of sale sa zonal value ka nila co2mputan kya walang risk unless bka syo ipasagot lahat ng gastos kse sa laki ng tawad mo sasabihin syo ikaw na sasagot ng lahat2 na taxes from bir CTG,at DST,transfer tax,tax clearance,transfer tittle, pwera pa yon bka ippa subdivide mag usap kyo ng maayos liwanagin mo sino mag ma2byad ng CTG useually ang seller ang nag bbyad ng capital gain opinion ko lng po yn pra may idea ka lng.


Very risky po kung biglang magkaroon ng problem ang property. Yung friend ko bumili ng townhouse na worth 15M. Para makatipid sa taxes, kasi ang agreement sagot ng buyer ang taxes, sinuggest na iundervalue ng 10M. Naconstruct pala ang townhouse sa ibabaw ng roots ng pinutol na malaking puno. Nung anayin, nagkabitak bitak ang building. Nung magkasolian, 10M lang ang sinoli sa buyer.


Risk is mahold ang transaction, maimbestigahan ng BIR at makasuhan for tax evation/ fraud.


3 ang pinag pilian ng BIR yong Consideration/Purchase Price, Market Value ng lupa sa Tax Dec. ng lupa dya makikita at Zonal Valuation ng BIR whichever is higher ito ang pag basehan ng BIR sa pag bayad ng CGT Capital Gains Tax


Wala nmn po,,,it doesn't affect the market value or value of land,,,❤️❤️❤️


Mostly po ang undervalue deed of sale is para bumaba lang notary fee other than that wala na po..un iba akala pag binabaan sale baba din bir nila..hindi po may mga zonal values po bawat lugar.


Sa BIR, may zonal value - which ever is higher ang basehan. Sa Treasury (.5-.7%) at RD (.8-1%), Yun nakalagay sa DOAS basehan, mas mababa yun fees mababa din.


If sa doas mababa ang I lagay na selling price una bababa ang bayad sa attys fee kasi 1% ang fee Nila nyan. Two ang basis sa bayaran NG taxes is doas/zonal value/market value which ever is higher so means NG wala n talaga effect maliban sa attys fee pag mababa ang selling price.


Medyo mababa ang babayaran sa absolute deed of sale. Tax is 1 percent othe total amt. inCities and in the province is 1/2 of 1 percent.



Magpagawa ka na Lang Ng dalawang deed of sale ung isa ung tamang presyo at ung isa mababa lamang ilagay mong presyo at un ung ipapasa mo sa bir para mas maliit bayad mo sa tax.

Di na po halos masusunod maski mababa ang ilagay sa deed of sale....usually po ang updated zonal values na po ang binabasehan ng computation ng capital gains tax. Lagi po kasi whichever is higher.

Wala naman. Basta hnd lang masyadong halata. And dapat meron ka din yung totoo talaga selling price and acknowledgement na they received your payment in full.


magkaroon nlang kayo ng agreement o another papel na sulat -kamay ng seller na " I received the total amount (full amount).........signed..


Walang risk..pakinabang meron...less taxes...


Comments