Tanong: NAKATIRA SA PABAHAY NA DONATE NG COMPANY, PINAPAALIS NG DEVELOPER

Hingi lang po ng advice, Nakatira po kami sa pabahay ng company namin dati, ang lupa ay donate ng company namin saaming mga worker pero ang bahay ay sa developer,dahil nagsara na ang company namin kaya naging dahilan na hindi narin kami nakakahulog ng monthly payment para sa bahay kaya gusto ng developer na paalisin kami.

Tama ba na umalis kami gayong donate sa amin ang lupa ng company namin dati?

--+++++------

MGA SAGOT: 

Huwag kayo umalis. Possessor in good faith kayo ng lupa kung saan nakatayo ang bahay. Tumungo kayo sa Human Land Use Regulatory Board, HLURB - TANUNGIN NYO KUNG REGISTERED DEVELOPER yun developer nyo at idulog ninyo sa kanila ang isyu ng pagpapaalis sa inyo. Dalhin nyo lahat ng dokumento ukol sa isyu ng donasyon ng lupa, pagkuha nyo ng hinuhulugang bahay. 
Hindi kayo pwede agarang paalisin dahil BUYER ON INSTALLMENT AT POSSESSOR IN GOOD FAITH KAYO. 
DAPAT AGARAN ANG PAGDULOG NINYO.


Sir. Maaring ang lupa ay ginawang garantiya ng inyong company para matayuan kayo ng bahay ng developer. Sa ngayon na dina kayo nakakapg bayad at ang enteres at halaga ng natitirang bayarin ay umabot na sa halaga ng katumbas ng lupa o kung anu man ang kasulatan ng developer at ng inyong company. Kaya ini imbargo na ito ng developer dahil dina nasunod ng company ninyo ang kanilang kasulatan. siguro po ituloy nalang ninyo ang pag babayad sa kakulangan ng company sa developer.


Kausapin nalang Ang developer sender na kayo na mag patuloy mag bayad sa bahay para mapa sa Inyo na Yan Ang house and lote


Meron bang kasulatan na donation at na itransfer na sa name ninyo o pinatituluhan ninyo..kung Wala dapat kayong umalis kung verbal lng


At present the developer owns the house because youre not yet fully paid. He has right especially if you didn't follow the specifics of the contract

Kapag hindi nabayaran ng company ninyo in full...kausapin na lang ang Developer na kayo ang magpatuloy...may karapatan talaga ang Developer na paalisin kayo lalo na at hindi naman kayo ang pumirma sa Contract To Sell


May Deed of Donation kayo sa kompanya?

Comments